CBCP aaksyonan daw ang iskandalo tungkol sa SUVs

11:23:00 PM

CBCP aaksyonan daw ang iskandalo tungkol sa SUVs
07/10/2011 | 09:39 AM
Source: GMAnews.tv

May pakiusap si Bishop Deogracias Iñiguez ng CBCP sa mga mananampalataya sa harap ng iskandalong yumayanig sa Simbahang Katoliko. Bunga ito ng pagtanggap daw ng ilang obispo ng mamahaling sasakyan. Alamin kung ano ito sa panayam ni Jessica Soho sa State of the Nation, ika-6 ng Hulyo 2011.

Jessica Soho: At kaugnay pa rin po ng isyu tungkol sa Philippine Charity Sweepstakes Office at ng mga obispo, makakausap po natin ngayon live si Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng committee on public affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Magandang gabi po, bishop.

This page requires a higher version browser
Bishop Deogracias Iñiguez: Jessica at ang ating mga tagapanuod, isang mabungang pakikinig at gabi.

Jessica: Ano po ang reaksyon niyo nung inyo pong narinig na merong mga bishop, pito ho yata, na nakatanggap daw, hindi lang po ng mga ordinaryong sasakyan kundi merong mga 4x4, may SUV, may Montero pa raw ho. Ano ho ang reaksyon niyo diyan?

Bishop Iñiguez: Nung unang pumutok itong balitang ito ay ang agad kong naisip ay “bakit?" Sapagkat talagang nakakagulat eh kung bakit biglang nagkaroon ng nakakagulat na balita. Pero at the same time, alam ko na kinakailangang i-validate kung ano talagang nangyari, kung ano yung totoong mga circumstances para mabigyan natin ng karampatang hatol yung mga nangyari, anuman ang pangyayari.

Jessica: Ito hong si Bishop Pueblos, I understand he served as the priest ho mismo, bishop, dun po sa Malacañang, tama ho ba?

Bishop Iñiguez: Opo. He was once, I think a member of a committee kung saan kincreate ito ng government and he was one of those taken from among the bishops.

Jessica: At kung hindi ho ako nagkakamali, araw-araw daw ho nagsisimba si dating Pangulong Arroyo dun sa maliit na chapel sa loob ng Malacañang. So, I suppose they were very close, ganun ho ba bishop?

Bishop Iñiguez: At palagay ko even before that appointment of bishop Pueblos, talagang medyo magkalapit na sila. I don’t know from what circumstances pero sa alam namin, isa siya dun sa mga Obispo na talagang medyo malapit sa nagdaang pangulong Gloria.

Jessica: Dun po sa Senate hearing kanina, may records po na nagpapakita that he asked for a vehicle from the former president at sinabi ho niya dun daw na pa-birthday. Although sinabi rin niya na kailangan daw niya sa kanyang social at religious work. Is that allowed by the church, bishop?

Bishop Iñiguez: Ganun siguro, we have to take this with the circumstances. Kung talagang magkaibigan ng personal si bishop Pueblos de Dios at ang nagdaang pangulong Gloria, I suppose entitled siya ng kaunting magkarinyo sa kanyang kaibigan. At ang dinig ko nga sa balita, itong sulat na ito ay talagang in-address niya sa kanyang kaibigang pangulo ng Pilipinas. That’s the way I understand yung tenor ng kanyang pagkasulat.

Jessica: Bagamat, bishop, alam ko ho na may vow of poverty ang mga miyembro po ng simbahan, mga alagad ng simbahan, ito ho bang 4x4 o SUV, lalo na po Montero medyo siguro naka-classify na po yan as luxury vehicle. Although siguro hindi natin mapapatunayan na anomalous ‘yan, pero is it irregular sa inyo pong mga alituntunin o policies sa CBCP?

Bishop Iñiguez: Una, I would just like to make a little, siguro to be exact with terms. Kami kasing mga obispo, mga pari, hindi vow of poverty. We have a promise to live in the spirit of poverty. Hindi kagaya ng tinatawag nating mga religious, sila yung may vow of poverty. Pero, we as priests and as bishops, talagang we should be living the spirit of poverty. And part of that spirit is to avoid, iwasan yung pagkakaroon, yung paggamit ng mga bagay na masasabi nating sobra.

Jessica: So, luxury vehicles included?

Bishop Iñiguez: Luxury vehicles is certainly against the spirit of poverty. Although makikita natin na kaming mga Obispo, kaming mga pari usually we enjoy the use, itong mga medyo mga mamahalin, na mga medyo masasabi nating may halagang mga bagay. At yun ay dahilan sa binibigyan kami o kaya yung aming diocese, yung aming parokya na who would provide for some of our needs. ‘Pag ibinili kami, pinipili nila yung mga bagay na medyo mataas ang quality.

Jessica: At saka siguro ho depende sa parokya, ano ho?

Bishop Iñiguez: Depende, that’s right.

Jessica: Kung mga bulubundukin, katulad ho nitong ilan yata sa mga pitong Obispo na nabigyan, mga Mindanao ho yata ito.

Bishop Iñiguez: Yung mga nabanggit ngang mga obispo riyan, nanduon sila sa mga medyo undeveloped or fully developed parts of the country.

Jessica: Gayunman bishop, ang CBCP ho ba may gagawin after na malabas po ito sa media na merong mga nakatanggap ng mga sasakyan?

Bishop Iñiguez: Sa pagkalabas na ito, obligado ang CBCP, kaming mga Obispo. At lalung lalo na ngayon natapat pa na we are in our midyear assembly. Kaya sa July 9 to 11, we gathered in assembly. Natitiyak ko na, at least by groups, matatalakay ang mga bagay na ito and some reflections will come out of it.

Jessica: Would you call this an embarrassment for the church?

Bishop Iñiguez: Well, it’s a possible, possible embarrassment for the church at yung dating na makikita natin na parang it will cause embarrassment, noh. Kaya nga we are appealing na bagamat at first look, first impression, this is something very embarrassing, tingnan muna natin kung ano ba yung talagang nangyari. Ano ba yung totoo? Ano ba yung circumstances?

Jessica: Pero, bishop, the larger issue here, I suppose kung titingnan po natin sa mas malawakang perspective, ay tama daw ho ba na tumatanggap ang simbahan ng donasyon mula sa gobyerno dahil meron ho dapat tayong separation of church and state, di ho ba? Sa pagkakatanda ko ho, this is not the first time that this was brought up. Kahit po yung mga donation ng PAGCOR na galing sa gambling, although the church has a very clear stand against gambling, pero noon pa ho, pinupukol na yung isyung ‘yan sa simbahan. Ayaw nila ng gambling pero tumatanggap sila ng donasyon mula sa PAGCOR. Ano ho ang stand ng CBCP at kayo rin po, ano po ang personal stand niyo on this?

Bishop Iñiguez: Dito ang pagtanggap ng donations at even yung paghingi, sa palagay ko wala namang masama because as a bishop, I am also at the service of my fellow citizens, fellow Filipinos. At alam natin na itong, halimbawa ang PCSO, that is a government agency. That’s an agency para sa kapakanan ng mga mamamayan at merong mga patakaran itong nakatakda. Kaya kung ako bilang Obispo, merong pangangailangan yung aking mga kasamahan na inaakala kong matutulungan nitong ahenysa ng PCSO, then I will not hesitate as a citizen, as a Filipino na lumapit dito upang humingi nung dapat naman nilang ilapit o ibigay sa mga nangangailangan.

Jessica: Mawalang galang na lang po, bishop, ako ho ay very devout Catholic ho ako, practicing. Nagsisimba ho ako linggo-linggo, pero nung the few times that I was able to visit Rome, at nakita ko ho yung treasures of the Vatican, sabi ko, “ang yaman pala ng simbahan." Ang dami nilang resources at yung Basilica mismo ni St. Peter, nakakalula sa laki. So ang una hong pumasok sa isip ko, ang yaman pala ng Catholic church. Bakit ang daming mahihirap na katoliko na hindi nabibiyayaan ng tulong? I suppose I can ask that question now, ano ho, bishop? Eh mayaman ang Catholic church, bakit may mga Obispo kayong humihingi ng tulong sa gobyerno ng isang bansa na mahirap katulad po ng Pilipinas?

Bishop Iñiguez: Yun kasing kayaman na nakita mo sa Vatican, that’s the wealth that the cultural, that’s the material wealth of that particular church, of that particular institution. Although, it may be used also for other purposes, ay yung wealth nun is more cultural, it’s more religious than material. Kaya hindi basta ipagbibili yung mga yun para magkaroon ng pera. So, based on dito sa mga nakikita natin sa ibang mga bahagi ng simbahan, hindi naman natin masasabi sa kabuuan na yung iba ring mga bahagi ng simbahan, kagaya ng Pilipinas, ay mayaman din. Naka-depende na yun dun sa actual na mga pag-aari sa actual na tinataglay nitong mga simbahang ito.

Jessica: At may mga mahihirap ho kayong parokya?

Bishop Iñiguez: At merong mga mahihirap. Maraming mga mahihirap na mga parokya na mga dioceses.

Jessica: So bishop, bilang panghuling tanong ko na lang ho, ano ho ang maipapayo niyong tamang pananaw dapat ng bawat isang Pilipino na nakikinig po dito sa Senate hearing at nasa-shock, nagugulat dito ho sa mga lumalabas lalo na pagdating ho sa mga alagad ng simbahan?

Bishp Iñiguez: Isa hong nakikitang very positive dito, isa na naman itong pagkakataon para magising tayo doon sa mga realities and values na dapat ay tinataglay ng simbahan at ng mga taong simbahan. Sapagkat sa katunayan, kagaya nitong paggamit ng mga bagay-bagay, paghingi ng mga tulong mula sa ahensya ng gobyerno, madalas iyan ay ating parang ihinihiwalay dun sa talagang pananaw at buhay natin bilang mananampalataya. Kaya sa pamamagitan ng pagsubaybay at higit sa lahat pag-unawa na dito sa mga nangyayaring ito, mabuti man o masama, makukuha natin yung tamang pananaw, yung tamang value na magpapalago ng ating kaalaman ng ating buhay bilang mananampalataya.

You Might Also Like

0 comments